Thursday, December 31, 2009

Please vote wisely! Ask yourself if they deserve your vote!

Tagalog muna tayo, nauuubusan na kasi ako ng bokabularyo eh at medyo naka-inom ng kaunti, ewan ko kung bakit kailan, grogee ako, tsaka ko naiisipan na magblog.

Meron na bang kandidatong presidente at bise presidente na nasa isang partido na walang sarili o nag-iisang campaign tv ad? Mayroon na bang kandidato na nagsalita na "kung iboboto niyo ko, pati partner/s ko, kung hindi, wag niyo na kaming iboto! Bakit? Dahil lahat kami sa partido ay nagkakaisa sa layunin, pananaw at puso para sa ating bayan, kapag iba ang aming nakasama, magiging mahirap gawin kaagad na magkasunod-sunod ang mga naka-plano tungo sa ikabubuti, ikauunlad, & ikaaayos ng ating bansa."

Naaalala ko nung highschool days namin, ang galing ng aming Asst. Commandant, dami namin natutunan sa tao na yun, mula sa pagiging nationalistic at hanggang sa pagiging isang mabuti at maging totoong tao. Gawin mo ang trabaho bago ka magreklamo. At walang daan para sa iyong reklamo sa nakakataas sa iyo. hahaha. Sa huli, malalalaman mo, para sa pangkalahatan pala ang iyong ginawa, para sa ikabubuti ninyong lahat.

Ang ating batas, kung pipilitin at hahanapan ng butas, makakakita ka nga. Pero ang batas, kapag walang nagpapatupad, parang isang asong kakagat na walang pangil.

Ah eh, Next year, I'll be sharing some tips, files, and my review on my newly acquired Garmin GPSMap 60csx. Bought it from Singapore. Will be playing around with this baby for a while before I post my views on my new toy. Happy New Year Everyone!

No comments:

 
Pinoy-Blogs.com